Bagong Gupit, Bagong Web Application, OSI Model
Hello.
Pagpasensiyahan nyo na po ako, namimiss ko na kasi ang magblog sa wikang Tagalog. Mahigit dalawang buwan ko na rin iyong hindi nagagawa eh.
Masaya ako ngayon. Bakit?
Uhhhhmmm, kasi nakagawa ako ng isang web application? Ganun na nga. Wala lang. Ganun talaga ako pag nabobore, biglang naiisipang magprogram. Mas okay naman iyon diba, kaysa magdrugs! Yung pinrogram ko pala, para sa First Screening Results ng Pisay na nirelease kahapon. Similar siya sa official results web application ng Pisay System, mas maganda nga lang ang akin at mas flexible. Hindi naman talaga natin napipigilan ang ating galing, diba? Hahaha. Ito nga pala ang link, bisitahin mo naman para makita mo rin ang aking kagalingan. Nga pala, PHP at mySQL gamit ko dun.
Uhhhmmm, kasi bagong gupit ako matapos ang apatnaputwalong araw (48) kong pagtitiis na sa aking huling gupit. Maikli na ulit ang buhok ko, yey. Noong ginugupitan ako, napansin ko na medyo naiintindihan ko ang alien language ng barberong gumugupit sa akin at nang asawa niya. Kaya naman pala eh, nagiIlokano sila! Wow, minsan lang kasi ang ako nakakarinig nang nagiIlokano sa GenSan eh.
Uhhmm, kasi nabalikan ko ang OSI Model? Hahaha. Napagusapan pala namin ni Batang Yagit ng Davao ang OSI model, geek stuff. Wala lang, out of the blue inisa-isa namin ang pitong (7) layers. Ang saya, diba? Haha. Hindi nyo yun alam noh? What? Hindi mo alam yung application, presentation, session, transport, network, datalink at physical! Hahaha, wala akong magawa. Kayo nalang bahala magresearch tungkol nun kung gusto nyong malaman. Tas napagusapan din namin ang Advanced Windowing Toolkit at Swing ng Java. Tas umabot kami sa PIC at 8051. Saya diba? Hahaha. Nakadrugs ba ako?
Ano ba ‘tong post ko na ‘to, pwede na pang ABSTRACT REASONING. Hehehe, nasa first screening yun ng Pisay. Kung mapapansin nyo, nababawasan ng tig-iisang ‘h’ at ‘m’ ang Uhm ko sa kada talata. Ang saya, hahaha.
Waaaaaa, wala akong magawa. Salamat sa pagsasayang niyo ng oras sa pagbasa ng post na ito. Weeeeeee, blog ko ito walang makekeelam. ;D
Done reading? You are free to share your comments or insights regarding my post. You may also want to get updates thru RSS feed or thru email. You may also share this article to your Facebook friends or Twitter followers for free.


Conrad Miguel E. Gozalo is a 17-year old guy from General Santos City, Philippines. He is currently taking up his BS Computer Science at the University of the Philippines Diliman. He is a proud Linux user since August 2008. He is also a big fan of Free and Open Source Software. Know more about him on the 
4 Responses to “Bagong Gupit, Bagong Web Application, OSI Model” (join them?)
November 19, 2007 at 12:31 pm
hahahaha.. lol. nerd mode na to. hehehe
November 19, 2007 at 2:39 pm
kewl, ur really one of a kind kid ahehehe! extraordinary… haay ako naman di ko pa nasisimulan ang napanalunan ko na 1 year free webhosting & free domain, bz pa ‘xado ‘coz of ncoming Nurse Licensure Exam on Dec 1&2… pwede mo ba aq eLp sa programming bro aftr exam… hehehe!
November 27, 2007 at 8:07 pm
Good job on your programming. You got a long way and a bright future on your online money making ventures. Keep it up!
July 2, 2008 at 3:45 pm
Ui, naflutter ako.
Woot!
Leave a reply!