UnPLUG’s Statement about the Election Day Issues

Posted by Mikko at 25 February 2010

Category: Random

Tags:

Yesterday, the members of our organization the University of the Philippines Linux Users’ group acted as the technical staff of the computerized 2010 University-wide Student Council elections (using Halalan developed by UnPLUG) of the University of the Philippines Diliman.

Some issues were raised and published by other parties. Sadly, we found some of them objectionable. Here’s our official statement regarding the election day issues.

Pahayag ng USC Elections Technical Team hinggil sa mga balitang lumabas sa araw ng eleksyon sa UP Diliman

Una, nais namin linawin ang isyu tungkol sa pagiging late ng pagbubukas diumano ng mga presinto. Totoong nagkaroon ng pagkahuli ang pagbubukas ng ilang mga presinto dahil nagkaroon ng problema sa pagiimprenta ng mga password ng mga estudyante. Pero ang balitang mahigit dalawang oras naantala ang pagbubukas ng ilang presinto ay walang katotohanan dahil ang pinakahuli nang nabuksang presinto ay nasa 40 minuto lamang matapos ang alas otso ng umaga.

Ikalawa ay ang pagpapahinto ng pagboto sa buong unibersidad. Bandang alas-nueve y media ng umaga ay nahinto ang pagboto sa loob ng ilang minuto dahil ni-restart ang server na kinaroroonan ng Halalan (yung software). Ikatlo ay ang isyu sa CAL kung saan nagkaroon ng problema sa network. Naging dahilan ito upang maantala ang pagboto ng mga estudyante pero matapos malipat sa CAL Library ang presinto ay naipagpatuloy na ang botohan. Ito ay malinaw na problema sa network at hindi sa software.

Isa pang isyu na lumabas ay ang tungkol sa mga non-major. Hindi naimprenta ang listahan ng mga estudyanteng non-majors pero sila ay nakapaloob na sa sistema kung kaya’t sila ay maaring makaboto basta maipaalam lamang sa Technical Person na naka-assign sa bawat presinto.

Isa sa pinakamalaking isyung lumabas ay ang tungkol sa “glitch” diumano ng programa. Laman ng isang mensaheng teleteksto ang mga salitang ito:

“As you vote for less than 12 councilors only, tick that name and leave the others blank. Wag mag-aabstain, mavovoid votes niyo. Just let it be. Don’t tick abstain. May glitch ang system. Please pass.”

Nais naming linawin na hindi “glitch” ng sistema ang tungkol sa abstain. Ito ay function talaga ng sistema kung saan kapag pinili mo ang abstain ay hindi mo na nais bumoto para sa posisyong pinagbobotohan. Nabanggit naman namin sa mga public demo na ganito nga ang gamit ng abstain. Halimbawa nito ay kung hindi mo nais kumpletuhin ang 12 konsehal sa USC, maaari mong piliin kung ilan lamang ang nais mong iboto nang hindi pinipili ang abstain.

Maraming salamat sa pagsuporta sa Halalan. Sana’y nabigyan namin ng linaw ang mga agam-agam niyo hinggil sa ating eleksiyon. #

For more information regarding the computerized elections, please contact JP Bernardo at jp@jpbernardo.com.

======================================

Related posts:

  1. Bagong Gupit, Bagong Web Application, OSI Model
  2. Wala na po kayong load!
  3. 3AM, the Devil’s Hour and Saint Elmo’s Fire
  4. A Bugged Life in Technorati
  5. LandBank CM Recto Experience

3 Comments

  1. kylie batanguena says

    hello mikko! eleksyon nanaman! magka isa taung mga kabataan pra sa ika uunlad ng pilipinas. pra satin toh. maging mapanuri tayo sa iboboto natin at siguraduhin responsable ang dapat na umupo sa pwesto.unang beses p lamang akong boboto. kaya gusto ko ng pagbabago. sana may panahon magbigay ng oras sa taong nangangailangan tulad natin. meron akong nalaman na experience na kapwa ko batangueno! aba eh ng pumunta cla sa opisna ng gobernador na ito eh nag shooting pra sa komersyal ng pamilya nla. hndi matuunan ng pansin ang bawat pangangailangan ng taong bayan sa pagkat may shooting o ndi nmn kaya eh nsa ibang bansa ng shooting.

    Reply
  2. just.a.guest says

    Ahhh, kylie, ano ibig mong sabihin? Parang ang layo ata ng response mo. Wala bang signal jan sa Batangas? Choppy ka eh.

    Reply
  3. Rystraum Gamonez says

    @just.a.guest: Evil. Just plain evil. XD
    Oo nga pala, may revisions sa statement na ito. Nasa site ni JP yung final version. :)

    Reply

Leave a Reply

Leave a Reply
  • (required)
  • (required) (will not be published)